Home > Freestyle > World Tour

World Tour

Alam mo yung feeling na hirap na hirap ka na tapos nakakapit ka nalang at nakasalalay ang buhay mo sa dalawang makikissig mong braso para hindi mahulog sa karimlan, katapusan, kawalan?


Neither do I.

Anlaki laking issue ngayon ng pagpapagamot ni GMA sa ibang bansa. Hindi ko na alam ang updates kasi hindi naman talaga ako nakikinig nanonood ng news. Ang saken naman eh wala naman talaga akong pakelam kung may gingivitis sa neck si GMA. Ayoko kasi talagang umiisip ng kahit anong tungkol sa politics. Naaalala ko kasi yung mga tax na binabayaran naten tas di naman natin alam kung san napupunta.

Naisip ko lang, halimbawa ang isang typical na employee eh nakukunan ng tax na mga, sabihin na taing 4,000 per month. Typical employee yan ah, di pa counted ang mga boss na may tax na sinlaki ng nunal ni GMA. Tas sa Pilipinas manghuhula ako ng number, kasya na ba ang mga 2 million employees? Estimate lang. Bali 4k x 2m = 8 billion

8 BILLION. PER MONTH. PER MONTH. IBIG SABIHIN KUNG MAUBOS MAN ANG 8 BILLION THIS MONTH, MAY DARATING PANG 8 BILLION NEXT MONTH.

Anak ng bulutung tubig! Mygaaaad! Nalula me much! Kung masyadong malaki man ang number ko, kahit i divide pa yan sa 2 bale 1M employees, 4Billion per month pa rin yan! Saaaaaaaan napupunta binabaon ba yan sa lupa kasama ng pagpapagawa ng highways? Kelangan ko an ba mag start magtibag baka meron pala sa ilalim ng bahay namin! Ngi!

So kung tutuusin, yang mga luxury cars, mga trips to anywhere in the world, mga ganyan ng mga politicians eh katiting lang kumpara mo sa nakukuha ng gobyerno every month. Gusto ko sila hagisan ng shuriken isa isa. Jusmiyo.

Nakakasama ng loob kaya ayoko umisip ng politics. Hanggang ngayon nasa isip ko pa ren ang dami ng zeros sa 8 billion. Isipin ko nalang magiging butlig sila sa next life nila.

Saka iisipin ko nalang san man padala si GMA di naman nya ma eenjoy don. Kung papadala sya sa Paris di nya matitingala ang Eiffel Tower dahil sa neck brace nya. O kaya di sya papasakayin sa mga rides sa Hong Kong Disneyland. O kaya mapapagkamalan syang terorista sa Middle East kase tutunog lahat ng metal detectors na madaanan nya. Behlat.

Advertisements
Categories: Freestyle
  1. PM
    November 21, 2011 at 1:50 PM

    ibang klase talaga ang mundo ng pulitika. sa totoo lang, hindi ko alam kung may maayos ba na set up ng politics, yung tipong walang gulo, dayaan, o lamangan. uhm… syempre wala. šŸ˜† pero alam mo pag nakikita ko si gma sa tv parang kawawa din siya. yun nga lang, eh baka siya din naman ang may gawa nun sa sarili niya kaya ayun.

    • November 21, 2011 at 2:14 PM

      Nung nakita ko nga yung picture nya nakakaawa nga, ampayat payat payat nya para syang madededz na. Aw.

      • PM
        November 21, 2011 at 4:46 PM

        you know if i were her maybe it would be better if i’d be dead than have all of this happening. oh well, you reap what you sow?

        p.s. sana next post mo dear santa i’ve been good na para maentice din yung iba na sumali šŸ™‚

      • November 21, 2011 at 5:02 PM

        Ah, nakaka awa nga sya actually. Pero ayun, can’t do anything about it.

        I will try, gusto ko na rin mag post. Andamidaming deadlines dito sa office I wanna scream. Chos.

  2. November 21, 2011 at 3:25 PM

    baket alam mo ba ang pangkabuuang expenses na kailangan ng sambayang Pilipino para mag reklamo ka na ketaas-taas ng tax??!!! Sampalin mo ng inodoro ang bwakananginangshayt na mga corrupt na officials! Sa tingin ko ang issue dito eh hindi yung tax na kinukuha nila sa maliliit na empleyado ang issue dito eh kung paano nila gastahin sa tamang paraan ng walang “SIlaw” factor.

    Ang dami kong sinabi. Feeling brainy?!

    Kung ano ano pinag susulat mo kasi eh. Lika nga dito I’ll spank you hard.

    • November 21, 2011 at 3:50 PM

      Hahahahahaha. Pero anlakelakelakelake ng nakukuha nila per month diba diba diba diba? Umamin ka malake malake malake malake! Lols.

  3. Sphere
    November 21, 2011 at 3:58 PM

    Ah kelan nga ba sya inaresto? yon na headline sya sa mga newspaper dito nakakahiya hahaha wala akong masabi pagdating sa politics ayaw ko na makialam jan pabayaan mo na lng sila pero sana matagal pang mabuhay si Gloria para maramdaman nya ang sakit at hirap ng idinulot nya sa maraming tao hahaha wala tlga akong masabi.

    yong tungkol naman sa tax, buti na lang walang tax dito hehehe kung 100 ang sweldo na napagusapan nyo 100 ang matatanggap mo walang sobra walang kulang hahaha

    • November 21, 2011 at 5:03 PM

      Ayaw na ayaw ko ren ng politics. Gusto ko lang naman magsabi ng hinanakit sa taxes. Hahahaha. No matter what people say about the government doing something with our money, HINDI TALAGA AKO CONVINCED. Hahahaha.

  4. November 21, 2011 at 11:11 PM

    ako wala tlga akong alam sa mga nanyayari naun. d na ksi akooo nanonoud nan TV ee. walang tym? ahaha.

    . hayop nan PiX. tahahaha. šŸ˜€

    • November 22, 2011 at 12:43 AM

      Iniiwasan ko yung news, yung tipong pag news na nanginginig na ko na parang hinahunting ng vampires. Tsarot.

  5. November 22, 2011 at 12:33 AM

    Hate taxes hate, ang sabi ko nga sa Congress ako nagtatrabaho so yung pinangsusweldo s amin ay galing sa taxes ng taumbayan so bakit pa kami tina-tax-an? Hahahaha

    • November 22, 2011 at 12:49 AM

      Wagi. Hahahahahahahaha. Natawa ko ng bungga. Hahahahahahahahaha!

  6. November 22, 2011 at 3:13 AM

    hindi ko na rin masyadong nasundan ang kwento nina gloria, manny, PBB housemates, Survivor Castaways. sa dami ng problema ko ngayon, ayoko na silang problemahin.

    lolz

    • November 22, 2011 at 9:14 AM

      Nako importante pa naman maging updated sa buhay ng PBB housemates kase sila ang makikita naten sa TV for the next 5 years. Nyay!

  7. PM
    November 24, 2011 at 8:00 AM

    hey, hey, hey i wanted to remind you of your post my friend. blog friends are putting theirs and i just want to make sure you don’t miss up on this. deadline is over the weekend right? i’m counting on you! šŸ™‚

  8. November 26, 2011 at 3:30 AM

    Approximately, ang yearly budget ng Pilipinas ay Php100Billion (ayon sa unreliable sources ko). So kung tutuusin, kulang pa ang 8Billion every month. hehe

  9. November 26, 2011 at 1:35 PM

    Hahah. Ang kyut lang ng gif. šŸ˜€ Hay, ewan nga ba ang dami dami dapat problemahin ng bansa, sumasawsaw pa yan si gloria. Akala ko nung unang makita ko yung pic niya e nag-cocosplay siya. lols. šŸ˜€

  10. November 29, 2011 at 11:29 PM

    mas maigi pala magnakaw ng mas madami. kasi sa ‘bahay’ lang nakukulong.

  11. November 30, 2011 at 2:23 AM

    dyan talaga makikita ang dumi ng pulitika. at dyan din makikita kung sino ang pinakamadungis… kahit pa madaming pera.

  12. February 9, 2012 at 4:49 PM

    excuse me buhay pa ba ang author nito? Baket walang update?

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: