World Tour

November 21, 2011 23 comments

Alam mo yung feeling na hirap na hirap ka na tapos nakakapit ka nalang at nakasalalay ang buhay mo sa dalawang makikissig mong braso para hindi mahulog sa karimlan, katapusan, kawalan?


Neither do I.

Anlaki laking issue ngayon ng pagpapagamot ni GMA sa ibang bansa. Hindi ko na alam ang updates kasi hindi naman talaga ako nakikinig nanonood ng news. Ang saken naman eh wala naman talaga akong pakelam kung may gingivitis sa neck si GMA. Ayoko kasi talagang umiisip ng kahit anong tungkol sa politics. Naaalala ko kasi yung mga tax na binabayaran naten tas di naman natin alam kung san napupunta.

Naisip ko lang, halimbawa ang isang typical na employee eh nakukunan ng tax na mga, sabihin na taing 4,000 per month. Typical employee yan ah, di pa counted ang mga boss na may tax na sinlaki ng nunal ni GMA. Tas sa Pilipinas manghuhula ako ng number, kasya na ba ang mga 2 million employees? Estimate lang. Bali 4k x 2m = 8 billion

8 BILLION. PER MONTH. PER MONTH. IBIG SABIHIN KUNG MAUBOS MAN ANG 8 BILLION THIS MONTH, MAY DARATING PANG 8 BILLION NEXT MONTH.

Anak ng bulutung tubig! Mygaaaad! Nalula me much! Kung masyadong malaki man ang number ko, kahit i divide pa yan sa 2 bale 1M employees, 4Billion per month pa rin yan! Saaaaaaaan napupunta binabaon ba yan sa lupa kasama ng pagpapagawa ng highways? Kelangan ko an ba mag start magtibag baka meron pala sa ilalim ng bahay namin! Ngi!

So kung tutuusin, yang mga luxury cars, mga trips to anywhere in the world, mga ganyan ng mga politicians eh katiting lang kumpara mo sa nakukuha ng gobyerno every month. Gusto ko sila hagisan ng shuriken isa isa. Jusmiyo.

Nakakasama ng loob kaya ayoko umisip ng politics. Hanggang ngayon nasa isip ko pa ren ang dami ng zeros sa 8 billion. Isipin ko nalang magiging butlig sila sa next life nila.

Saka iisipin ko nalang san man padala si GMA di naman nya ma eenjoy don. Kung papadala sya sa Paris di nya matitingala ang Eiffel Tower dahil sa neck brace nya. O kaya di sya papasakayin sa mga rides sa Hong Kong Disneyland. O kaya mapapagkamalan syang terorista sa Middle East kase tutunog lahat ng metal detectors na madaanan nya. Behlat.

Advertisements
Categories: Freestyle

No Cavities!

November 16, 2011 23 comments

Kanina pa nagrereklamo tong katabi ko na masakit daw ang ngipin nya. Hindi naman daw sya maka pag half day today kase nung isang araw nag half day na sya tas ang idinahilan nya sa boss namen eh magpapadentista sya pero ang totoo nakipagkita sya sa buypren nya. Wagi. Mapaglaro ata talaga ang tadhana at tinotoo ang pinepeke nyang toothache. Ayayayayay!

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Naalala ko nung sumakit ipin ko non namura ko na ata lahat ng pwede kong murahin. Mula kay San Pedro hanggang sa mga na dissect kong Paramecium sp sa Zoology class ko nung college. Kasi diba, pag masakit ngipin mo masakit sya all over! Lahat ng joints, lahat ng nerves, lahat ng parts ng iyong drop dead gorgeous body masaket! Para syang manifestation ng damunyu sa earth!

Naalala ko rin yung commercial ng toothpaste na may natanong na bata sa dentista sabi nya gusto nya maging strong ang tits este teeth nya gaya ng sa tiger. Naisip ko non, oo nga noh, bat ang mga hayup antitibay ng ngipin? Hindi naman sila nag totoothbrush. Immune na ba sila sa cavities at toothdecay? Kung iisipin mo diba, sila ang kinakain nila hilaw na hayup with the bacteria and all the gross stuff, o di kaya mga halaman with all the icky insects. Pero hindi nasisira ang ngipin nila! Wala pa kong nakikitang Lion na nag roar tapos bungal pala! Baka tawanan sya sa jungle!


Pero kung ano man ang teeth problems ng mga animals sa jungle eh kanila nalang. Ayoko na makihalo sa usapang ngipin kase pag naaalala ko yung sakit ng ngipin ko non I wanna cry, Ate Charo. Tas kani kanina lang, may inabot saken yung katabi ko. Isang plastic ng samu’t saring chocolates. May mga M&Ms, Kisses, etc.

And that was the day I started to like cativites, toothaches, and all the gross stuff in the mouth, dear diary. 

Categories: Freestyle

Amphibians

November 12, 2011 16 comments

Kanina paglabas ko para bumili ng pagkain narinig ko yung kapitbahay ko sinisigawan nya yung anak nya ata. Nag assume ako na anak nya yon kase mukha syang yung kapitbahay mo na ale na walang trabaho tapos ang favorite past time nya eh makipagchismisan sa mga kapitbahay, magtinda ng yelo, saka magpaligo ng mga kiddies nya. Ganun. Anyways, narinig ko sya sigaw nya “Anu ka? Amphibian? Amphibian ka ba? Pwede sa lupa pwede sa tubig? Ha? Anu ka?”

Unang pumasok sa isip ko, “Huwaw! Amphibian! Ingglesera si ate!”, kase totoo naman aminin na naten, mapapaback off ka talaga pag narinig mo yan sa ateng mukhang second nature na sa kanya ang magtiris ng garapata. Pero napaisip ako kung amphibian ba talaga ang tawag sa mga hayup na kayang mabuhay sa tubig at sa lupa. Kase ang alam ko lang sa Amphibians eh cold blooded animals sila. Like lizards. Like frogs. Like politicians. Chos.

So ayun na nga, pagdating ko ng bahay after ko mamalengke with my basket and all, nag Google ako. Eto sabe ni Wikipedia:

“Amphibians (class Amphibia, from Amphi- meaning “on both sides” and -bios meaning “life”), are a class of vertebrate animals including animals such as frogs, caecilians, and salamanders. They are characterized as non-amniote ectothermic (or cold-blooded) tetrapods.” — Read more here.

Walang nabanggit tungkol sa pagtira sa lupa at tubig, pero ganun naman ang mga palaka diba. Pero may butiki bang nalangoy? Leviathan? Nyok nyok.

Sabi ni Google Amphibious Animals daw ang mga nakatira both sa tubig at sa lupa. So Amphibians din ata sila. Hindi ko alam kung pano nangyare yon. Actually sa puntong to sinukuan ko na ang paghahanap ng explanation. Puking yan, andame dameng scientific terms na nababasa ko ang gusto ko lang naman malaman eh kung may ibang tawag sa mga hayup sa lupa na nasa tubig din. Nye.

Best in Biology ay. Wala naman talaga akong point. Maliban siguro sa araw araw pumapasok ako sa office, naka polo, naka belt na medyo nahihirapan na ko isara, tas nakapantalon na inuulit ulit ko ng suot. Tas minsan pala parang mas may alam pa sakin yung Ateng may machinegun mouth. It was very humbling, Ate Charo.


Tas after mga 10 minutes nilait lait ko nanaman sya at ang kanyang magaspang na skin. I am so makasalanan.

Categories: Freestyle

Hello! Ako Bill!

November 10, 2011 38 comments

Nagbabalat ang lips ko. Hindi ko alam kung normal to pero nangyayare na saken to dati pa paminsan minsan. Hindi ko nga alam kung “nagbabalat” ang tamang term kasi hindi naman balat yung nasa lips. Hindi ko nga lang alam tawag don. Balat sa lips? Nyok nyok.

Anyways, hi hello how are you? My name is Bill but my real name is not Bill but you can call me Bill. O diba? Echosera lang. Hindi ako baguhan sa WordPress o sa pakikigulo sa mga kasintae ko sa cyberspace, pero baguhan ako sa pagiging semi anonymous. Mema. Mema try lang na bago.

Minsan na akong naging alipin ng pag-ibig, alila ng kapalaran, at sunod-sunuran sa pagkakataon. Sabi nila kapag anonymous anonimusan ka mas madaling magkwento ng mga kababuyan mo. Kung babuy man ako sa past life ko ay hindi ko na alam. Pero makwento ako pag nagsusulat. Tahimik ako sa totoong buhay dahil namimili lang ako ng dadaldalin. Na diagnose ko ang sarili ko ng Autism. Hindi ko kabisado ang criteria, wagkanga.

Gusto ko matuto maging mas open, maging mas expressive, pero sana hindi na requirement na makita ako ng personal. Ang arte arte ko kase. Pero kung i dedescribe ko ang sarili ko, eto na siguro yung sakto:


Pinangarap ko maging writer nung bata pa ko. Pero habang tumatanda, narerealize ko na hanggang kagaguhan lang naman ang kaya kong isulat. kaya pinangarap ko nalang maging pokpok para sa libreng jerjer.

Naaamaze ako sa mga babaeng matangkad. Sinusundan ko sila ng tingin pag nakita ko sila sa mall. Feeling ko kase kung Filipina ka at lampas 5’7″ ang height mo, naengkanto ka nung bata ka. At kelangan ka sambahin ng mga dayukdok sa earth.

Ayoko ng pulitika. Tamad ako magtrabaho. Mahilig ako tumawa. At higit sa lahat kulang ako sa bitamina. May pakiramdam akong di naman tayo masyadong nagkakaiba.

Ayun. Dito na siguro magsisimula ang pagkakalat ko. Kei.

Categories: Freestyle